Dating Senate President Tito Sotto pinabulaanan ang pahayag ng kampo ni Direk Darryl Yap na nakatanggap siya ng kopya ng script para sa pelikula tungkol sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma.
Ayon kay Atty. Raymond Fortun, abogado ni Yap, sinabi sa isang panayam sa Inquirer na pinadalhan umano ng script ang isang miyembro ng pamilya Sotto na senador bilang bahagi ng transparency ng proyekto. Dagdag pa niya, ginawa ito upang mabigyan ng pagkakataon ang Sotto siblings na magdagdag ng input kung kinakailangan.
“He (Yap) had given clearance for the script to be given to one of the Sotto siblings. He (Yap) agreed to this for transparency, and ‘baka meron silang (Sotto) gusto idagdag,” sabi ni Fortun.
Ngunit sa isang post sa X ngayong Lunes, Enero 13, mariing itinanggi ni Tito Sotto ang naturang pahayag. Aniya, “Not true. False. They gave a script to Vic del Rosario, not Vic Sotto. Vic nor I never read their script.”
Dagdag pa ni Sotto, tinanggihan din ng Viva boss na si Vic del Rosario ang naturang pelikula. Ang mga pahayag na ito ay tila nagpapakita ng hindi pagkakaunawaan o maling impormasyon mula sa kampo ng direktor.
.png)

0 Comments