Bitin si Irma Adlawan sa pagkakataong makatrabaho si Coco Martin.
Ganito ang kanyang naramdaman matapos patayin ang kanyang karakter na si Olga sa seryeng ‘FPJ’s Batang Quiapo.’ Dahil dito, umaasa si Irma na magkakaroon sila ng pagkakataong muling magtulungan sa mga susunod na proyekto ni Coco.
“Of course, with CCM (Coco), I always treasure those times that we’re together kasi bihira kaming magkita. So I treasure the moments na, ‘ay kasama ko siya sa set, yehey magkikita rin kami.’ And I hope I do work with him again,” ani Irma.
Dagdag pa niya, “Natutuwa ako na sa akin mo ibinigay ang role na ito, na ako ang pinili mo, napili mong gumanap sa role na ito. I mean there are things that I haven’t done in my career on TV that I did here. Maraming salamat na ipinatikim mo kung paano maging action star. Kasi sino ba naman ang maniniwala na pwede ko pang gawin ‘yung nagawa ko rito? Maraming salamat. I pray and wish that you continue to have a golden heart.”
Bukod sa pagiging action star, inamin ni Irma na marami siyang natutunan mula sa serye, tulad ng kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sitwasyon. Kahit matagal na siya sa industriya, mas lalo siyang nahasa sa pag-intindi at pagbibigay-buhay sa kanyang karakter.
Sa kanyang farewell video na ibinahagi ng Dreamscape, sinabi rin ni Irma na mami-miss niya ang collaborative na proseso sa programa.
Ngayon na wala na ang karakter ni Olga at natuklasan na ni Tanggol/Coco ang katotohanan na hindi niya tunay na ama si Rigor (John Estrada), ano kaya ang magiging susunod niyang hakbang? Hahanapin kaya niya ang kanyang tunay na ama?
.jpg)

0 Comments