Ticker

6/recent/ticker-posts

Vhong Navarro, Naiyak dahil sa isang contestant ng It's Showtime!


Ang galing talaga ni Vhong Navarro! Kung akala mo si Vice Ganda lang ang mapagbigay sa kanilang grupo, iba rin ang mga ginagawa niya sa buhay.

Isang contestant ng ‘It’s Showtime’ ang naantig nang muli niyang makaharap si Vhong, na tumulong pala sa kaniyang makapagtapos ng pag-aaral. Sa nagdaang episode ng show, nakilala si Kuya Jeffrey sa segment na ‘And the Breadwinner Is.’ Buong puso niyang ibinahagi sa madlang people na siya ay naging scholar ni Vhong at ngayon ay isa nang store manager.

Ayon kay Kuya Jeffrey, dahil sa scholarship na natanggap niya noong 2012, natulungan din niyang mapagtapos ang kaniyang mga kapatid. “I’m a successful breadwinner before kasi naging scholar niyo po ako. And because of that scholarship po, napagtapos ko po ‘yung tatlo kong mga kapatid,” aniya.

Nagpahayag din siya ng taos-pusong pasasalamat sa buong team ng ‘It’s Showtime,’ lalo na kay Vhong Navarro. “Way back 2012 pa po ‘yun kaya ito na po ‘yung chance ko para magpasalamat po sa buong team ng ‘It’s Showtime.

’ Kasi, kayo po ‘yung nagbigay ng kulay at pag-asa sa aking broken family. And dahil sa inyo, napagtapos ko ‘yung ibang kapatid ko, and marami na po kaming breadwinner—hindi na lang po ako,” dagdag niya.

Labis naman ang pagkagulat ni Vhong nang makaharap niya muli ang kaniyang dating scholar. “Grabe, naluluha ako sa’yo, Jeffrey. Nagulat ako kasi matagal na nga. Pero salamat kasi ginamit mo nang wasto at kita mo naman,” ani ni Vhong.

Matapos ang emosyonal na tagpo, nagyakap nang mahigpit ang dalawa. Naantig din ang netizens sa kwento ni Kuya Jeffrey. Marami ang nagsabi na sana’y makatulong din siya sa iba pang nangangailangan sa hinaharap, tulad ng ginawa ni Vhong para sa kaniya.

Post a Comment

0 Comments