Chinito at moreno ang ilan sa mga pisikal na katangiang hinahanap ni Kapuso Star of the New Generation, Jillian Ward, sa isang lalaki.
Dahil dito, marami ang nagsasabi na maaaring si Michael Sager, kapwa niya Kapuso at Sparkle star, ang tinutukoy niyang tumutugma sa kanyang mga pamantayan.
Sa kanyang muling pagbisita sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, natanong si Jillian Ward kung chinito o moreno ba ang tipo niya sa isang lalaki.
Agad namang sagot ng “My Ilongga Girl” lead star, “Chinito-moreno. Always.”
Kasunod nito, diretsahan na siyang tinanong ng King of Talk ng mas malalim na follow-up na tanong.
“Moreno-chinito. Maraming nagsasabi, ‘Si Michael Sager ba ang tinutukoy ni Jillian?'” hirit na tanong ni Tito Boy.
“Actually, ang dami pong nag-iisip na siya. Pero masasabi ko po ang tinutukoy kong crush na ito, actually hindi siya ganu’n kamoreno, hindi ko na-clear ‘yun.
“And naka-work ko ‘yung crush kong ito sa Abot-Kamay Na Pangarap,” esplika ni Jillian. Pero talagang hindi siya napilit ni Tito Boy na pangalanan ang naturang aktor.
Sey ni Jillian, “Nabulong ko kasi kay Tito Boy!” Nag-promise naman ang TV host na never niyang ilalantad ang identity ng naturang chinito-moreno actor.
Sa “Fast Talk” segment ng programa, ibinahagi ni Jillian Ward na hindi siya ang tipo ng babae na nagpapapansin sa kanyang crush. Gayunpaman, inamin niya na kasalukuyang may apat na lalaki na nagpaparamdam sa kanya.
Samantala, sa paparating na GMA Prime series na *My Ilongga Girl*, gaganap si Jillian sa dalawang karakter: si Venice Hermoso, isang sikat na internet personality, at si Roberta “Tata” Magbanua, isang magandang Ilongga.

0 Comments