Pumalag ang veteran actor na si John Estrada matapos ma-link sa aktres na si Barbie Imperial.
Sa isang Instagram post nitong Linggo, nilinaw ni John na kilala niya si Barbie bilang isang artista, ngunit hindi sila magkakilala sa personal.
“Kilala ko sya bilang isang artista pero hindi po sa personal na lebel, sa talam buhay ko, minsan ko lang lang ho sya nakita sa xmas special ng abs cbn ng 2021 or 2022, at yun na ho ang huling pagkikita namin sa naalala ko,” pahayag ni John.
Dagdag pa niya, kahit magkasama sila sa seryeng Batang Quiapo, ni minsan ay hindi raw nagkrus ang kanilang landas.
“Dahil po iba ang grupo niya, unit, at direktor niya. Kung sino man ang nagsimula nito, e, puwede ka nang maging komedyante,” ani John.
Hinimok din ng aktor ang mga online newspaper, tabloid, at iba pang tsismis sites na magsaliksik muna bago maglathala ng balita.
“Hindi ko alam kung Sino o Saan nag simula ang Kalokohan na to, na naglilink sa amin ni barbie imperial,” dagdag niya.
Makikitang ni-like ni Barbie ang nasabing post ni John bilang suporta sa kanyang paglilinaw. Una na ring itinanggi ni Barbie ang isyu, na tinawag niyang “fake news.”
.png)

0 Comments