Ticker

6/recent/ticker-posts

Rosmar Tan, nahanap na si Sampaguita Girl; Binigyan ng Tulong!

Natukoy ni Rosmar Tan ang estudyanteng pinaniniwalaang ang 'Sampaguita Girl' mula sa viral na video. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Rosmar na ang pangalan ng dalaga ay 'Jenny,' isang first-year Medtech student. Nilinaw din niya na ang 'Sampaguita Girl' at 'Vics Girl' ay hindi iisang tao, bilang tugon sa mga usap-usapan online.

Bagamat hindi pa tiyak kung si Jenny nga ang viral na tindera ng sampaguita, nag-post si Rosmar ng patunay na nagpadala siya ng pinansyal na tulong sa dalaga gamit ang E-wallet.

Si Rosmar Tan, na kilala rin bilang Rosemarie Tan, ay nakilala sa social media dahil sa kanyang mga gawaing pagtulong sa mga netizen, lalo na noong panahon ng pandemya. Unti-unting lumago ang bilang ng kanyang mga tagasubaybay sa kanyang mga social media account.


Post a Comment

0 Comments