Nakalaya na nitong Huwebes ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto matapos magpiyansa sa Pasay Regional Trial Court kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa Securities and Regulation Code.
Matatandaang tumigil si Rufa Mae sa National Bureau of Investigation (NBI) nang magdamag matapos mabigong makapagpiyansa kaagad. Ipinag-utos ng Pasay RTC Branch 111 ang kanyang pagpapalaya matapos magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng ₱1.7 milyon para sa 14 na bilang ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code.
“Go, go, go home na ako,” pabirong pahayag ni Rufa Mae sa mga reporter.
Sa korte, nag-plead siya ng “not guilty” sa mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng reklamo ng mga investor ng Dermacare, isang skincare company.
Noong Miyerkules, sumuko si Rufa Mae at sinamahan ng mga operatiba ng NBI sa NAIA pagdating niya mula sa US.
.png)

0 Comments