Ticker

6/recent/ticker-posts

Alex Gonzaga ,Nakunan sa ika-3 Pagkakataon


Bago sumapit ang 2025, ikatlong beses nang nakunan si Alex Gonzaga, actress-TV host at content creator. Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang asawa, si Mikee Morada, sa panayam na ginawa ni Toni Gonzaga para sa kanyang YouTube show na “Toni Talks.”

Sa interview, inilahad ni Mikee ang mga pinagdaanan nila ni Alex sa kabila ng paulit-ulit na hamon sa kanilang buhay mag-asawa. 

Ayon kay Mikee, nakunan si Alex noong Disyembre 2024. Ito na ang ikatlong beses mula nang ikasal sila noong 2020.

“Nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound,” pagbabahagi ni Mikee.

“To be honest, kami ni Catherine (Alex), noong nalaman namin na pregnant siya, hindi namin talaga akalain, wala kaming plano.

“Ang plano namin, baka posibleng mag-prepare muna ng katawan, IVF, pero naturally pa rin, gusto naming subukan,” aniya.

Ayon sa asawa ni Alex, hindi tumagal ng isang buwan ang pagbubuntis nito ; “Hanggang du’n sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nu’ng doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit.”


Ayon sa isang health website, ang blighted ovum ay nangyayari kapag may nade-develop na fertilized egg sa uterus ngunit hindi ito nagiging embryo.

Dahil dito, humingi ng second opinion ang mag-asawa mula sa ibang doktor, kung saan natuklasan nilang mahina ang heartbeat ng dinadala ni Alex.

“Pagdating namin sa ultrasound na ‘yun, merong bata sa loob, may baby sa loob. Naiyak ako nu’ng narinig ko yung heartbeat. First time kong nakarinig ng heartbeat sa third try.

“Nalaman namin na mababa yung heartbeat, na 65 lang. So that same day, pumunta kami sa ospital, tinray namin habulin, baka ma-save pa yung baby,” pahayag ni Mikee.

Gayunpaman, sa sumunod na konsultasyon, natuklasan nilang wala na ang heartbeat ng sanggol. Damang-dama ni Mikee ang pagpupursigi ni Alex na magpakatatag sa kabila ng kanilang nalaman.

“Strong siya, e. Pero nu’ng umuwi kami ng gabi, du’n siya nagbe-breakdown,” saad pa ni Mikee.

Sabi pa ni Mikee tungkol sa kanilang 3rd miscarriage, “At the end of the day, kahit anong mangyayari, biyayaan man tayo o hindi, kahit tayong dalawa lang magkasama, okay lang.

“Every experience makes our relationship stronger. Kung iisipin ko noong 2019, para lang kaming nagbabahay-bahayan, but now we’ve been through so much together,” dagdag pa ni Mikee Morada.

Post a Comment

0 Comments