Ticker

6/recent/ticker-posts

BARBIE FORTEZA,NAKA BANGON AGAD MATAPOS ANG BREAKUP KAY JAK ROBERTO?



Mukhang mabilis naka-recover si Barbie Forteza mula sa hiwalayan nila ni Jak Roberto. Hindi nagmukmok ang Kapuso star sa kaniyang kuwarto o nagpakalunod sa lungkot; bagkus, pinili niyang ipagpatuloy ang takbo ng kaniyang buhay.

Sa kaniyang pinakabagong IG post, makikita si Barbie na suot ang isang butter yellow dress, na may seryosong ekspresyon sa mukha at nakadikit ang daliri sa kaniyang pisngi. Ito ang unang post niya matapos ibalita ang break-up nila ni Jak noong unang linggo ng Enero.

Bagama’t simple, agaw-pansin ang caption ni Barbie—isang emoji ng sunflower. Tila ipinahihiwatig nito ang patuloy niyang pagliwanag at pag-usad sa buhay. 

Kapansin-pansin din ang pagbabago sa kanyang hitsura. Mas gumanda si Barbie at mukhang mas determinado ngayon, na parang sinasabing handa siyang harapin ang mga hamon sa buhay. May mga nagsasabing baka maging kasing-mapangahas din ang kanyang imahe tulad ng nangyari kay Kathryn Bernardo matapos ang breakup nila ni Daniel Padilla.

Samantala, binago na ni Barbie ang setting ng comment section sa kaniyang IG, ginawang limitado upang mapanatili ang kaniyang peace of mind at maiwasan ang pag-usisa ng mga “marites” tungkol sa kanilang hiwalayan.

Post a Comment

0 Comments