Ticker

6/recent/ticker-posts

Bianca Manalo at Win Gatchalian, hiwalay na?

Matapos magwakas ang pitong taong relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto, isang bagong usap-usapan ang lumutang sa social media: totoo nga bang hiwalay na rin sina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo?

Ang haka-hakang ito ay nag-ugat mula sa isang blind item tungkol sa hiwalayan ng isang showbiz personality at isang politiko. Bukod dito, napansin ng mga netizen na tila wala nang magkasamang larawan ang dalawa sa kanilang Instagram accounts.

Lalong naging tampulan ng intriga ang throwback post ni Bianca noong November 29, 2024. Sa post, makikita ang larawan niya noong bata na may caption na: “Don’t worry, little Bianc ☺️ You’re going to be okay ❤️.”

Sa mga sumunod niyang posts, puro solo photos o videos na lamang ang ibinabahagi ni Bianca. Kung may kasama man siya, mga kaibigan ang makikita at hindi ang senador.

Maging sa video na ibinahagi ni Bianca mula sa kanyang birthday celebration noong December 1, 2024, kasama ang kanyang pamilya, kapansin-pansing wala rin si Sen. Gatchalian

Post a Comment

0 Comments