Ticker

6/recent/ticker-posts

Ice Seguerra sa pag File ng kaso ni Vic Sotto kay Darryl Yap : "Tama lang yun"



Ice Seguerra, Sang-ayon sa Cyber Libel Case na Isinampa ni Vic Sotto


Sinuportahan ni Ice Seguerra ang naging desisyon ni Vic Sotto na magsampa ng reklamong 19 counts of cyber libel laban sa direktor na si Darryl Yap.

Nag-ugat ang kaso mula sa teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma, na diretsahang binanggit ang pangalan ni Vic sa social media.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph, sinabi ni Ice:
“Well, it's good that he filed a case kasi importanteng marinig din yung side niya para maipagtanggol niya, di ba? Tama lang, tama lang na nag-file, tama lang yun.

“Kasi ngayon, parang it's so easy to just do something na isang bagay na hindi natin iniisip kung ano ang puwedeng repercussion. For me, it's a good move ni Tito Vic to file. Ipagtanggol niya ang sarili niya."

Ice, Hindi Pinanood ang Viral Teaser

Tinanong din si Ice kung napanood niya ang nag-viral na teaser. Sagot niya:

“Ay, hindi. It's a personal choice, I just didn't want to. I'm just happy that he filed."


Post a Comment

0 Comments