Usap-usapan ngayon ang mga prediksyon ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin, partikular na ang pangitain niyang may isang young actress na magiging biktima ng rape ngayong 2025. Sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas sa "Rated Korina," ibinahagi ni Rudy ang kanyang mga hula, na agad namang nagdulot ng ingay sa social media.
Ayon sa psychic, ang young actress na ito ay may pangalan na nagsisimula sa letter M. Kamakailan lang daw ay nasangkot siya sa isyu ng “cheating,” dahilan kung bakit naging kontrobersyal ang aktres. Bagamat walang malinaw na pagkakakilanlan, kanya-kanyang hula ang mga netizen sa kung sino ang tinutukoy.
Bukod sa pangitaing ito, nabanggit din ni Rudy ang tungkol sa isang sikat na vlogger na maaaring mamatay ngayong taon dahil sa cancer. Ang vlogger daw na ito ay maganda, sexy, may foreigner na ama, at may dalawang kapatid na babae at isang lalaki. Bagamat nalagpasan na ng vlogger ang health problems noon, tila hindi na raw siya makakarekober sa bagong sakit na dadapo sa kanya.
Pahayag ni Rudy, “Hanggang doon na lang talaga siya, wala na akong nakikitang kadugtong.” Kahit pa raw mayaman ang vlogger, hindi na maisasalba ang kanyang buhay.
Samantala, habang maraming netizens ang nagninilay kung sino ang mga taong tinutukoy ng psychic, may iba namang nagbabala laban sa sobrang paniniwala sa mga prediksyon. Anila, ang Diyos lamang ang nakakaalam ng tunay na mangyayari sa hinaharap.
Para sa iba, ang mga ganitong prediksyon ay maaaring magdulot ng takot at maling impormasyon. Gayunpaman, patuloy ang interes ng publiko sa mga hula ni Rudy Baldwin, na kilalang laging laman ng balita dahil sa mga kontrobersyal na pahayag.
Kung totoo man o hindi, tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung ang mga pangitaing ito ay magkakatotoo. Hanggang sa mangyari iyon, pananampalataya at pag-iingat ang paalala ng marami.
.png)

0 Comments