Ticker

6/recent/ticker-posts

Paolo Contis, inaming takot na makatagpo ang mga anak ng katulad nya

Ibinunyag ni Paolo Contis na ang pinakamalaking takot niya ay ang posibilidad na maligawan ng mga lalaking kagaya niya ang kanyang mga anak na babae. 

Mayroon siyang dalawang anak sa dati niyang asawang si Lian Paz, at isa naman sa kanyang dating partner na si LJ Reyes. Bagama’t bukas ang aktor sa ideya na magkarelasyon ang kanyang mga anak balang araw, hindi niya maiwasang mangamba na makakilala sila ng lalaking may mga katangian tulad niya.

“It’s gonna happen anyway. Wala ka magagawa,” ani Paolo sa podcast kasama sina Tuesday Vargas at Buboy Villar.

“‘Yun ang number one na ikinakatakot ko… Ever since naman, the goal is to be a guy na [‘yung tipong] gusto mong manligaw sa mga anak mo ay tulad mo. Sadly, you make mistakes. Now, masasabi ko na ‘yung Paolo mga 10 or 15 years ago, naku, Diyos ko Lord. Sasampalin ko talaga ‘yan,” dagdag pa niya.

Ayon kay Paolo Contis, nasa proseso na siya ng pagbabago ngayon, lalo na’t 40 taong gulang na siya.

“It’s an ongoing process. I cannot say that [na nagbago na ako] pero nandu’n ka na sa process ng pagbabago. Alam mo ang mga mali mo and tinatama mo na ang mali. I’m 40, and kailangan na ‘yun,” aniya.

Post a Comment

0 Comments