Muling nagpatama ang Comedy Queen at Kapuso star na si Ai Ai delas Alas laban sa isang taong tinawag niyang "cheater."
Sa isang post sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng veteran actress ang isang photo message kung saan niya muling isinapubliko ang "cheater," sabay banggit na bumili raw ito ng singsing.
Hinala niya, may balak nang mag-propose ang taong tinutukoy niya sa kasalukuyang kasintahan, kahit hindi pa ito legally divorced sa kanyang asawa.
“SI CHEATER BUMILI NG RING? AY WOW PANG ENGAGED NA? HUH DIVORCE NA BA SILA NI WIFEY? NYEK HINDI PA NO!” ang nakalagay sa photo message ng komedyana.
Ang inilagay ni Ai Ai na caption sa kanyang FB status, “Sabi ng mga soldiers … Sana OL .. pagkaksyahin ko sa leeg nya.”
Bagama't hindi pinangalanan ni Ai Ai ang "cheater," marami sa mga netizens ang naniniwala na ang tinutukoy niya ay ang kanyang estranged husband, si Gerald Sibayan.
Dahil dito, marami ang nagkomento na huwag niyang pirmahan ang divorce papers upang hindi na makapagpakasal si Gerald sa iba. May ilan ding nagsuggest na bawiin na rin niya ang green card ng kanyang dating asawa.
.png)

0 Comments