Matapos ma-link kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, trending ngayon ang tila reaction video ng businesswoman at content creator na si Crissa Habibi.
Matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon, naging viral ang video ni Philmar at Crissa sa isang bar, kung saan kapansin-pansing naging sobrang malapit sila sa isa’t isa.
Mismong si Crissa Habibi, ang businesswoman at social media personality, ang nag-upload ng video sa kanyang TikTok account, pero kalaunan ay binura rin niya ito.
Marami ang nainis kay Philmar matapos mapanood ang eksena kung saan inilapit niya ang kanyang mukha kay Crissa at tila tinaas pa ang kanyang damit sa harap ng babae.
Nilinaw naman ni Philmar na wala silang anumang ugnayan ni Crissa at walang malisya ang kanilang pag-uusap.
Dinepensahan din noon ni Andi ang kanyang partner, iginiit na wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng kanyang future husband. Gayunpaman, tila inakusahan ng aktres si Crissa na may ibang motibo sa pag-upload ng video.
At heto na nga, makalipas ang walong buwan, tila nakisawsaw si Crissa sa isyu na kinakaharap ng couple matapos lumabas ang usapin tungkol sa “couple tattoo” nina Philmar at ng kaibigan niyang si Pernilla Sjoö.
“Grabe ‘yung mga pamba-bash na natanggap ko sa mga Bisaya noong nagkaroon ako ng issue kay Philmar, tinawag pa nila akong b*rik*t,” sey ng content creator sa Bisaya.
Hindi man niya binanggit ang pangalan ni Pernilla sa video, pero kinuwestiyon ni Crissa kung bakit mas kaunti ang natatanggap na pamba-bash ng naturang babae kumpara sa kanya noong nadawit siya sa kontrobersiya.
“Pero ngayon na may bagong babae, hindi niyo ma-bash. Bakit, hindi kayo marunong mag-English…t*r*nt*do kayo. Nanggigil ako,” wika niya sa post.
@crishabibi ♬ original sound - HABIBI MAIN
Kamakailan lang, sunod-sunod ang mga pasabog ni Andi tungkol sa estado ng relasyon nila ni Philmar, lalo na matapos mapansin ng netizens na nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.
Sa kanyang mga posts, ipinahayag ng celebrity mom na ang ikinagalit niya ay ang pagpapa-couple tattoo ni Philmar at ng bestfriend nitong babae, nang hindi man lang siya kinonsulta.
Gayunpaman, nilinaw ni Andi na hindi siya pinagtaksilan ni Philmar, kundi ang naturang dayuhang babae ang nagkanulo sa kanya.
.png)

0 Comments