Maraming humanga sa tapang ng Kapamilya actress na si Maris Racal sa paggawa ng mga eksenang ito, kung saan buong puso siyang tumakbo habang hinahabol ng mga kalaban.
Bukod pa rito, medyas lang ang suot niya sa paa, kaya’t tiyak na mahirap para sa kanya ang mga stunts na ginawa niya. Pero sulit naman ang lahat ng pagod at sakripisyo dahil sobrang nagustuhan ito ng mga manonood!
May nagkomento pa nga na sa Baguio raw kinunan ang “bra at panty” scene ni Maris, pero tila hindi alintana ng aktres ang lamig para lang mapanatili ang realismong action scenes niya.
May ilang netizens naman na napansin at pinuri ang makinis na katawan ni Maris, lalo na ang kanyang wetpaks. Dahil sa kanyang kaseksihan, may mga nagbiro pa na dapat siyang mag-Vivamax.
Mukhang mabilis nang nalimutan ng madlang pipol ang cheating scandal na kinasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings. Mas pinag-uusapan na ngayon ang tambalan nila sa Incognito kaysa sa isyung umano’y panloloko nila kay Jam Villanueva, dating kasintahan ng aktor.
.png)

0 Comments