Ticker

6/recent/ticker-posts

Jam Ignacio humingi ng tawad kay Jellie Aw “sorry. Sorry, sobrang sorry”

Nagpaumanhin si Jam Ignacio sa kaniyang fiancée, si Jellie Aw, matapos siyang akusahan ng pananakit. Umaasa ang negosyante na maaayos nila ang kanilang relasyon at matutupad pa rin ang pangarap nilang bumuo ng pamilya.

Sa isang eksklusibong panayam ni John Consulta para sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, inamin ni Jam ang pagsisisi sa insidente, na nagsimula umano sa isang simpleng hindi pagkakaunawaan.

"Sa simpleng hindi pagkakaunawaan, siguro may halo na rin sigurong pagod sa maghapon na lakad namin. Kumbaga, tao lang din siguro ako, kumbaga baka napuno lang din siguro ako na hindi ko sinasabi na tama pero hindi ko para i-tolerate na gawin ulit. Humihingi ako ng tawad. Pasensya na talaga," pagsumamo niya.

Nagpahayag din si Jam ng paghingi ng tawad sa pamilya at mga mahal sa buhay ng vlogger at disc jockey na si Jellie.

"Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, dito ako haharap sa inyo. Humaharap na humihingi ng taos-puso na sorry. Sorry, sobrang sorry, lalo na sa mommy ni Jellie. Ma, sorry, ma. Alam niyo 'yan na mahal na mahal ko si Jellie," sabi ni Jam.

Hiniling ni Jam kay Jellie na sila na lang ang mag-ayos ng kanilang problema at nangakong hindi na mauulit ang insidente.

"Pinapangako ko sa 'yo na hindi na mauulit 'to and then sana bigyan mo ng pagkakataon na ayusin natin 'tong pareho nang pribado na sa 'ting dalawa. Alam ko naman na alam mo din na mahal natin ang isa't isa. Madami tayong gustong gawin at pangarap na sana maayos natin at matupad natin," pahayag pa nito.

"Alam mo na gusto ko ikaw na 'yung makasama ko talaga. Alam mo' yan na may plano tayo bumuo ng pamilya. Tuparin natin, hon. Nagmamakaawa ako sa 'yo, sana ayusin natin 'to," dagdag pa niya.

Patuloy pang sinusubukan ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ni Jellie kaugnay sa pakiusap ng kanyang nobyo.  

Gayunpaman, nauna nang sinabi ni Jellie na handa siyang magpatawad, ngunit dapat managot si Jam sa umano’y pananakit sa kanya.  

Noong nakaraang linggo, nagtungo si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) upang pormal na magsampa ng reklamo laban kay Jam.  

Samantala, naglabas ang NBI ng subpoena nitong Lunes upang hingan ng paliwanag si Jam kaugnay sa reklamo ni Jellie.

Post a Comment

0 Comments