Ikinuwento ng kaibigan ni club DJ Jellie Aw ang mga pangyayari matapos siyang maltrato ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio.
Matatandaang kumalat sa social media ang mga larawan ni Jellie matapos ang umano'y pagmamaltrato, kung saan makikita ang kanyang pasa at namamagang mukha.
Ayon sa isang kaibigan ni Jellie, nagsimula ang pagmamaltrato nang magtalo ang dalawa dahil sa hindi pa isiniwalat na dahilan.
Umano’y lasing at nagmamaneho si Jam nang mangyari ang insidente.
“Nung nakainom na si Jam, siguro sa sobrang pikon niya po kay Jellie, pagdating daw po sa sasakyan, pinagsasapak na siya, binugbog na siya. Binugbog siya, talagang wala nang palag si Jellie,” Ayon sa source.
Hindi dapat bumaba ng sasakyan si Jellie, ngunit dahil sa isang aberya habang tinatawid nila ang expressway, nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas.
“Pagdating sa toll gate, nagsisisigaw po si Jellie daw at nakahingi po siya ng tulong. Doon na po lumabas [ng sasakyan] si Jam Ignacio. Nagtatakbo na po siya,” dagdag pa nila.
Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan si Jam, na inaasahang mahaharap sa mabibigat na kaso.
Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan si Jam, na inaasahang mahaharap sa mabibigat na kaso.
.png)

0 Comments