Isang 69-anyos na senior citizen ang labis na nagalit matapos sitahin sa paliparan dahil sa umano’y pagdadala ng “anting-anting” na bala sa kanyang bag.
Sa isang post sa social media, inakusahan ni Ruth Adel ang mga security personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng “tanim-bala” habang papasakay sila sa kanilang flight patungong Vietnam.
Sa isang cellphone video na ibinahagi niya, makikitang kinakalkal ng kanyang pamilya ang kanilang bag sa pre-departure area ng NAIA upang hanapin ang sinasabing “bala” na nakita sa x-ray machine.
Dahil sa insidente, muntik na silang hindi makasakay sa kanilang flight dahil sa abalang idinulot nito.
Bukod dito, matinding kahihiyan din ang kanyang naramdaman matapos maakusahang may dala siyang bala—lalo na’t aniya, ni minsan ay hindi pa siya nakakita ng tunay na bala ng baril.
Itinatanong din ng pamilya ni Adel kung totoo ngang may bala sa bag, bakit hindi pa lang sa unang x-ray machine ay pinahinto na sila?
.png)

0 Comments