Kung may isang pangarap si Ivana Alawi na hindi pa natutupad, ito ay ang makapagpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.
Ayon sa kanya, target niyang bumuo ng pamilya sa edad na 30, kaya may dalawang taon pa siya upang matupad ito, dahil kasalukuyan siyang 28 taong gulang.
Gayunpaman, nakadepende pa rin ito sa mga mangyayari sa kanyang personal na buhay at sa kanyang showbiz career, lalo na’t mas magiging abala siya ngayong 2025.
Sa isang press conference at thanksgiving event para sa media, natanong si Ivana kung ano pa ang nais niyang maabot sa kabila ng kanyang kasalukuyang tagumpay.
“Meron akong pangarap na maa-achieve ko, very, very soon. Pangarap ko siya dati pa. So, siguro ‘yun pa lang,” sagot ni Ivana.
Pagpapatuloy niya, “Next pangarap ko is siyempre, makabuo na ng pamilya, maging housewife. Alam n’yo naman ‘yun. So, hindi pa natutupad ‘yun.”
Nang tanungin siya kung may maibibigay siyang clue tungkol sa pangarap niyang malapit nang matupad, tumanggi muna siyang magbigay ng detalye. Gayunpaman, sinabi niyang ngayong buwan na ito mangyayari.
“Basta matutupad siya at malalaman n’yo agad-agad. Mga this month,” sagot ng aktres at vlogger.
.png)

0 Comments