Ticker

6/recent/ticker-posts

Andi Eigenmann, binisita ng Grandparents nya sa Siargao

Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang mga larawan ng kanyang mga lolo’t lola, sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, habang naglalakad sa Siargao.

Ginawa niya ito sa gitna ng isyung may pinagdadaanan ang relasyon nila ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Si Andi ay anak ng yumaong aktor na si Mark Gil at ng pumanaw na rin na aktres na si Jaclyn Jose.

Si Mark ay anak nina Rosemarie at Eddie.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Andi ang larawan nina Rosemarie at Eddie habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Nilagyan niya ito ng caption: "Mama & Papa walking on the streets of my neighborhood."

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Andi ang larawan ni Rosemarie kasama ang apong si Ellie Eigenmann, anak niya sa dating kasintahan na si Jake Ejercito.  

Nag-post din siya ng larawan ni Rosemarie kasama ang mga anak nila ni Philmar—sina Lilo at Koa—habang nasa isang souvenir shop.  

Hindi malinaw ang dahilan ng pagbisita nina Rosemarie at Eddie kay Andi at sa mga bata sa Siargao, ngunit marami ang naniniwalang may kaugnayan ito sa kasalukuyang estado ng relasyon ng kanilang apo kay Philmar.

Post a Comment

0 Comments