Ticker

6/recent/ticker-posts

Enrique Gil at Liza Soberano, Posibleng magsama ulit sa isang teleserye!


Bukas na raw muli ang Pinay Hollywood actress na si Liza Soberano sa paggawa ng teleserye sa Pilipinas.

Sa isang panayam kamakailan kay Anna Cerezo ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Liza ang mga proyektong nakatakda niyang gawin ngayong 2025. Ginawa ang interview sa isang product launch kung saan siya ang endorser.

Sa Abril, magsisimula si Liza ng isang pelikula sa Los Angeles, California.  

Sa ikatlong quarter ng 2025, babalik siya sa Pilipinas para sa isang pelikulang maaaring ipalabas sa dulo ng taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.  

Bukod dito, posible rin siyang gumawa ng teleserye, depende sa magiging konsepto.

“I’m definitely open to doing a teleserye. I think it just comes down to the concept.

“I’m at the stage where I wanna try doing all different types of characters, all different types of genres. I’m just looking for anything that really excites me and is like really kakaiba,” pahayag ni Liza.

Bukod sa pagiging artista, isa na rin siyang producer.  

Naikuwento niya na nag-uusap na sila ng kanyang Ex-boyfriend na si Enrique Gil tungkol sa isang proyektong posible nilang pagsamahan at i-produce.

“We’re trying to come up with a concept we can do together in the future, and I can guarantee that it’s going to be in the next year or two because the concept that we’re coming up with needs to be fleshed out,” sey niya.

Post a Comment

0 Comments