Ticker

6/recent/ticker-posts

BINI may pasabog bago ang Valentines Day!


May panibagong pasabog na naman ang grupong BINI!

Sa Pebrero 13, ilalabas nila ang kanilang bagong single na Blink Twice, na may refreshing at catchy sound.

Mapapakinggan ito simula 9:00 PM sa iba't ibang streaming platforms.

May pa-sample na ang BINI sa cover art ng kanilang bagong single!

Ang grupo, na binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, ay naglabas na rin ng teasers sa social media, na tampok ang kanilang signature makulay na visuals.

Ayon kay BINI Mikha, ang Blink Twice ay tungkol sa apilang huwag nang magpaligoy-ligoy pa pagdating sa pag-ibig.

Aba, pang-international release rin daw ang *Blink Twice*!  

Mukhang mas lalo pang palalawakin ng BINI ang kanilang global reach sa bagong single na ito.

“It’s like ‘Cherry on Top’, we also worked with international producers and songwriters for this one. Of course, we want to give the best for you guys and we want to reach the international stage.”

Ang Blink Twice ang susunod na release ng BINI matapos ang kanilang last full English song na Cherry On Top, na umani na ng mahigit 100 million global audio streams at video views.

Samantala, sa BINIverse World Tour: Philippines concert nila sa Philippine Arena ngayong Sabado (Pebrero 15), unang mapapanood nang live ang performance ng kanilang bagong kanta.

Mapapakinggan ang Blink Twice sa digital streaming platforms simula Pebrero 13, 9:00 PM.







Post a Comment

0 Comments