Isa sa mga kasong isinampa ng aktor na si Sandro Muhlach laban sa dalawang dating independent contractor ng GMA Network ay ibinasura ng Pasay City Metropolitan Trial Court (MTC).
Ang nasabing kaso ay may kinalaman sa acts of lasciviousness na isinampa ni Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz, na umano’y sinamantala siya sa isang hotel room noong nakaraang taon.
Ayon sa desisyon ng Pasay MTC Branch 46, pinaboran ang mosyon nina Nones at Cruz na ibasura ang kaso, dahil sakop na umano ng ibang reklamong isinampa ng Department of Justice (DOJ) ang mga alegasyon.
“The acts of lasciviousness before this court are necessarily included in the charge of r-pe before the Regional Trial Court,” Ayon sa desisyon ng korte.
Matatandaang itinanggi nina Jojo at Richard ang mga paratang laban sa kanila.
Gayunpaman, ipinakita ng CCTV footage sa labas ng hotel room kung paano nagbago ang kilos ni Sandro bago at matapos niyang bisitahin ang mga suspek.
“Noong nagpunta siya doon sa hotel na naka-check in ang dalawang subjects, normal at relaxed ang movement ni Sandro pero after noong nangyari ‘yung insidente, makikitang nagbago ‘yung kaniyang kilos. Siya ay mabilis ng maglakad, balisa at parang distressed and very anxious,” Ayon kay NBI imbestigador Atty. Zulikah Marie Conales.
“Bigla na lang siyang umupo sa tabi ng wall fronting the elevator kung saan inaantay niya ‘yung mga kaibigan niya na sumundo sa kanya,” dagdag pa nya.
“Bigla na lang siyang umupo sa tabi ng wall fronting the elevator kung saan inaantay niya ‘yung mga kaibigan niya na sumundo sa kanya,” dagdag pa nya.
.png)

0 Comments