Aminado si McCoy de Leon na isa siya sa “most hated” ngayon dahil sa karakter niyang si David sa seryeng *FPJ’s Batang Quiapo* ni Coco Martin.
Marami ang namumuhi sa kanya dahil sa pagiging kontrabida niya sa palabas.
Sa presscon ng *In Thy Name* movie ng Viva Films, tinanong namin si McCoy kung ito ba ang paraan niya para bumawi sa mga manonood.
Sa pelikula, ginagampanan niya si Father Rhoel Gallardo, isang Claretian priest.
Kung sa serye ni Coco ay nakakagalit ang karakter niya, sa *In Thy Name* naman, mapapadasal ka dahil sa kanyang kabanalan.
Ayon kay McCoy, alam niyang maraming viewers ng FPJ’s Batang Quiapo ang galit sa kanya, kaya parang pambawi na rin niya ang pagiging mabuting karakter sa In Thy Name.
Habang ginagawa niya ang pelikula, kasabay rin siyang nagte-taping para sa serye, kaya naging mahirap ang paglipat mula sa pagiging kontrabida patungo sa pagiging mabuting pari.
Pero dahil sa husay niya bilang aktor, parehong naging epektibo ang pagganap niya sa dalawang proyekto.
.png)

0 Comments